// you’re reading...

Music

Tang Ina Nya Video and Lyrics

Lyrics:

Meron akong gustong ikwento
Tungkol sa dating kasintahan ko
Ginawa akong isang tanga
Pinaniwala na ako rin daw ay mahal niya
At alam niyo ba
Dalawa kami noon sa puso niya
Na pinagsabay, ako'y pinaghintay
Pinangakuan na isang araw
Ako raw ang kanyang iibigin
Sasama daw siya sa akin
Ngunit ako'y pinagpalit sa siyota niyang patpatin

Tang ina niya
Tang ina niya
Tang ina niya
Tang ina niya

Ngunit ako'y hindi natuto
Tuloy parin ang katangahan ko
Siya ay muli ko pang tinanggap
Nang siya ay bumalik iiyak-iyak
Tinanong ko siya
Kung ako na ba ang nasa puso niya
Siya ay natulala
Parang nawawala
Sabay sinabi niyang hindi niya alam
Ang kanyang isasagot sa akin
Di pa raw niya kayang lisanin
Mahal na mahal niya parin daw ang siyota niyang patpatin

Tang ina niya
Tang ina niya
Tang ina niya
Tang ina niya

Sana magasaan sila
Sana ay masunugan sila
Sana ay makagat siya ng asong ulol ng kapitbahay nilang kalbo
Nakatira doon sa may kanto
Sana tamaan sila ng bagyo
Diyos ko

Discussion

No comments for “Tang Ina Nya Video and Lyrics”

Post a comment

Most Emailed